'BISAYA'
isang araw na wala akong magawa
naisip kong lakbayin ang mundo ng internet
YM...chat...culture...language...tagalog
umasang may magandang mapapala
"wala kang karapatang kumanta! kupal!"
ang mga unang katagang nabasa ko
sa isip ko - ano ba tong napasok ko?
ngunit ako'y nanahimik at nakinig
may nag-gigitara at kumakanta
hmmm...in fairness, magaling sya
ilang minuto pa...
hindi lang pala singer, stand-up comedian din
ako'y nawili...nabighani...nakulam
hindi ko napansin ang oras
8 hours na pala kong nakatunganga
nakikinig at nagbabasa lang
buwan ang lumipas...wala pa rin akong masabi
tahimik na hinangaan ang tinawag na kupal
hanggang isang araw...
hindi ko na natiis sumingit sa usapan
"love is equally emotion and decision"
yan ang nabanggit ko
nakuha ko ang atensyon ni 'bisaya'
at lalong gumulong ang puso ko
bisaya...bisaya...bisaya...
unti-unti akong nahulog sa isang bisaya
hinangaan...pinangarap...minahal
ngunit alam kong kailangang wakasan
dumaan ang mga araw
nakilala ko siya ng mabuti
nakausap...nakabiruan...naging kaibigan
tama, kaibigan
hindi pala siya ang hinahanap ko
hindi pala katulad niya ang gusto ko
hindi pala siya ang pinapangarap ko
iba pala...iba pala...


























